Publicidade

1 Coríntios 6

15 Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran. 16 Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Silang dalawaʼy magiging isa." 17 At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.

18 Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. 19 Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, 20 dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-28_14-13-17-