Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Coríntios 7

12 Sa iba naman, ito ang masasabi ko (itoʼy opinyon ko lamang; walang sinabi ang Panginoon tungkol dito): Kung ang isang mananampalatayang lalaki ay may asawa na hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang babae. 13 At kung ang isang babae naman ay may asawang hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang lalaki. 14 Sapagkat ang lalaking hindi mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang mananampalatayang asawa, at ang babaeng hindi mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang mananampalatayang asawa. Dahil kung hindi, ang mga anak nila ay ituturing na marumi sa paningin ng Diyos. Ngunit sa katunayan, itinuturing silang banal ng Diyos.

Veja também