36 Nang oras na ng paghahandog, lumapit si Propeta Elias sa altar at nanalangin. Sinabi niya, "Panginoon, Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob,18:36 Jacob: Sa Hebreo, Israel. patunayan ninyo sa araw na ito, na kayo ang Diyos ng Israel at ako ang inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito ayon sa utos ninyo. 37 Panginoon, dinggin nʼyo po ako, upang malaman ng mga tao na kayo Panginoon, ang Diyos, at nais nʼyo silang magbalik-loob sa inyo."