Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Reis 19

20 Iniwan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias. Sinabi ni Eliseo, "Hahalik po muna ako sa aking amaʼt ina bilang pamamaalam at saka po ako sasáma sa inyo." Sumagot si Elias, "Sige, pero huwag mong kalimutan ang ginawa ko sa iyo."

21 Kaya bumalik si Eliseo, kinuha ang kanyang mga baka, at kinatay. Ginawa niyang panggatong sa pagluluto ng karne ng mga baka ang mga kagamitan sa pag-aararo. Pagkaluto, binigyan niya ang kanyang mga kasamang nag-aararo, at kumain silang lahat. At agad siyang sumunod kay Elias upang maging lingkod nito.

Veja também