13 Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang tatlumpung libong kalalakihan mula sa buong Israel. 14 Pinagpangkat sila ayon sa bilang na sampung libo bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito. 15 May pitumpung libong tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at walumpung libong tao na tagatabas ng bato sa kabundukan. 16 Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador.