20 Sapagkat kahit gaano man karami ang pangako ng Diyos, tutuparin niyang lahat ito sa pamamagitan ni Kristo. Kaya nga masasabi natin na tapat ang Diyos, at itoʼy nakapagbibigay ng kapurihan sa kanya. 21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa atin, at sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Pinili niya tayo, 22 at tinatakan niya tayo bilang tanda na tayoʼy kanya. Inilagay niya ang kanyang Espiritu sa ating mga puso na nagsisilbing katibayan na matatanggap natin ang kanyang mga ipinangako.
Publicidade
Publicidade