7 Para hindi ako maging mayabang dahil sa mga kamangha-manghang ipinakita ng Diyos sa akin, binigyan ako ng isang kapansanan sa katawan. Hinayaan ng Diyos na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan upang hindi ako maging mayabang. 8 Tatlong beses akong nakiusap sa Panginoon na alisin ito sa akin. 9 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.
Publicidade