18 Ang lahat ng itoʼy gawa ng Diyos na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Kristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. 19 Pinapanumbalik ng Diyos ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Kristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaang magpahayag ng mensaheng ito. 20 Kaya nga, mga sugo kami ni Kristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Diyos sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya.
Publicidade