Pular para o conteúdo
Publicidade

Pahayag 19

Mga Awitin ng Tagumpay sa Langit

1 Pagkatapos nito, narinig ko ang parang dagundong ng napakaraming tao sa langit na sumisigaw:

"Purihin ang Panginoon!

Purihin ang Diyos nating makapangyarihan,

sapagkat siya ang nagligtas sa atin!

2 Matuwid at tama ang kanyang paghatol.

Hinatulan niya ang sikat na babaeng bayaran

na nagpasama sa mundo

ng kanyang imoralidad.

Pinarusahan siya ng Diyos

Sapagkat pinatay niya ang mga lingkod ng Diyos."

3 Sinabi nilang muli,

"Purihin ang Panginoon!

Ang usok ng nasusunog na lungsod

ay papailanlang magpakailanman!"

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também