14 Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: May ilan sa inyo na sumusunod sa mga aral ni Balaam. Si Balaam ang nagturo kay Balak kung paano udyukan ang mga Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan at sa pamamagitan ng paggawa ng seksuwal na imoralidad. 15 At may ilan din sa inyo na sumusunod sa mga aral ng mga Nicolaita. 16 Kaya magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan! Sapagkat kung hindi, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon at kakalabanin ko sila sa pamamagitan ng espadang lumalabas sa aking bibig."
Publicidade