Tinatakan ang 144,000
1 Pagkatapos nito, nakita kong nakatayo ang apat na anghel sa apat na sulok ng mundo. Pinipigilan nila ang apat na hangin upang hindi umihip sa lupa, sa dagat, o sa alinmang punongkahoy. 2 At nakita ko ang isa pang anghel na galing sa silangan na taglay ang pantatak ng buháy na Diyos. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at dagat. 3 Sinabi niya, "Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hanggaʼt hindi pa natin natatatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos." 4 Ayon sa narinig ko, 144,000 ang lahat ng tinatakan mula sa labindalawang lahi ng Israel.
5 Labindalawang libo mula sa lahi ni Juda ang tinatakan;
labindalawang libo mula sa lahi ni Ruben;
labindalawang libo mula sa lahi ni Gad;
6 labindalawang libo mula sa lahi ni Asher;
labindalawang libo mula sa lahi ni Neftali;
labindalawang libo sa lahi ni Manases;
7 labindalawang libo mula sa lahi ni Simeon;
labindalawang libo mula sa lahi ni Levi;
labindalawang libo mula sa lahi ni Isacar;
8 labindalawang libo mula sa lahi ni Zebulun;
labindalawang libo mula sa lahi ni Jose;
labindalawang libo mula sa lahi ni Benjamin.