Pular para o conteúdo
Publicidade

Atos 16

Sina Pablo at Silas sa Bilangguan

16 Isang araw, habang papunta kami sa lugar na pinagtitipunan para manalangin, sinalubong kami ng isang dalagitang alipin. Ang dalagitang iyon ay sinasaniban ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanya ng kakayahang manghula. Malaki ang kinikita ng kanyang mga amo dahil sa kanyang panghuhula. 17 Palaging sinusundan ng babae si Pablo at kami habang sumisigaw ito ng, "Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos! Ipinangangaral nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!" 18 Araw-araw, iyon ang ginagawa niya hanggang sa tuluyang nainis si Pablo. Kaya hinarap niya ang babae at sinabi sa masamang espiritung sumasanib dito, "Sa pangalan ni Hesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kanya!" At agad naman itong iniwan ng masamang espiritu.

Veja também