Publicidade

Atos 7

44 Sinabi pa ni Esteban, "Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya. 45 Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. 46 Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob. 47 Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya.

48 "Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta,

49 Ang langit ang aking trono,

at ang lupa ang aking apakan.

Anong uri ng bahay

ang gagawin nʼyo para sa akin?

sabi ng Panginoon.

Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

50 Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?7:50 Isa. 66:1-2."

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-