18 Nang makita ni Simon na ipinagkakaloob ang Espiritu sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay ng mga apostol, inalok niya ng pera sina Pedro at Juan, 19 at sinabi, "Bigyan nʼyo rin ako ng ganyang kapangyarihan, upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay matanggap din ang Banal na Espiritu."
20 Ngunit sumagot si Pedro, "Mapahamak ka sana kasama ng iyong pera! Sapagkat inaakala mong mabibili ng pera ang kaloob ng Diyos. 21 Wala kang bahagi o karapatan sa gawaing ito, dahil hindi tama ang puso mo sa paningin ng Diyos. 22 Kaya magsisi ka sa iyong kasamaan at manalangin ka sa Panginoon na patawarin ka sa masamang hangarin ng iyong puso. 23 Sapagkat nakikita kong puno ka ng pagka-inggit at alipin ka ng kasalanan."
24 Sinabi ni Simon, "Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon upang hindi mangyari sa akin ang sinabi ninyo."