Pular para o conteúdo
Publicidade

Atos 8

32 Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa:

"Siya ay tulad ng isang tupa

na inaakay patungo sa katayan;

Gaya ng isang munting tupa

wala siyang imik habang ginugupitan

ni bibig niyaʼy ayaw buksan.

33 Hinamak siya at hinatulan

nang hindi makatarungan.

Walang makapagsalita

tungkol sa kanyang lahi,

sapagkat ang kanyang buhay

dito sa lupaʼy pinaikli."8:33 Isa. 53:7-8. Ito ay hango sa saling Septuagint.

34 Sinabi ng eunuko kay Felipe, "Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang kanyang sarili ba o ibang tao?" 35 Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Hesus.

Veja também