36 Habang patuloy silang naglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko kay Felipe, "Tingnan mo, may tubig dito! May dahilan pa ba upang hindi ako mabautismuhan?" [ 37 Sumagot si Felipe, "Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso." Sinabi ng eunuko, "Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos."]8:37 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito. 38 Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. 39 Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
Publicidade