Ang Kautusan tungkol sa Dangal ng Babae
13 Kung napangasawa ng isang lalaki ang isang babae, at pagkatapos nilang magsiping ay inayawan ng lalaki ang kanyang asawa 14 at pinagbintangan niya ito. At sinabi niya, "Natuklasan kong hindi na birhen ang aking asawa nang sumiping ako sa kanya." 15 Pupunta ang magulang ng babae sa mga tagapamahala doon sa may pintuan ng bayan. Magdadala sila ng ebidensya na birhen ang anak nila. 16 At sasabihin ng ama ng babae sa mga tagapamahala, "Ipinakasal ko ang anak ko sa taong ito at ngayoʼy aayaw siya sa anak ko. 17 Pinagbibintangan niya ang anak ko na hindi na siya birhen nang mapangasawa niya. Ngunit heto ang ebidensya na birhen ang aking anak." At ipapakita ng magulang sa mga tagapamahala ang sapin ng mag-asawa na may dugo.