Ang Salita ng Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1 Noong una, nangusap ang Diyos sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at sari-saring paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya ay nilikha ng Diyos ang buong sanlibutan, at siya rin ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3 Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.