Publicidade

Hebreus 10

Ang Minsanang Paghahandog ni Kristo

1 Ang Kautusan ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman ay hindi ito nakakapagpabanal sa mga taong lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taón-taón. 2 Dahil kung totoong nalinis na sila nang minsan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila inuusig ng kanilang budhi, at hindi na nila kinailangang maghandog pa. 3 Ngunit ang paghahandog na ginagawa nila taón-taón ay siya pang nagpapaalala sa mga kasalanan nila, 4 dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-