Mga Babala at Bilin
14 Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. 15 Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.