22 Hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Diyos, dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan. 23 Lumapit kayo sa pagtitipon ng mga itinuturing na mga panganay ng Diyos, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Diyos at ginawa na niyang ganap. 24 Lumapit kayo kay Hesus na siyang tagapamagitan natin sa Diyos sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni Abel na humihingi ng katarungan.
Publicidade
Publicidade