Ang Paring si Melquizedec
1 Itong si Melquizedec ay hari noon sa Salem, at pari ng Kataas-taasang Diyos. Nang pauwi na si Abraham mula sa pakikipaglaban sa mga haring nilupig niya, sinalubong siya ni Melquizedec at pinagpala. 2 Pagkatapos, ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu7:2 ikapu: Ang ibig sabihin, "ikasampu o sampung porsyento." ng lahat ng nasamsam niya sa labanan. Ang kahulugan ng pangalang Melquizedec ay "hari ng katuwiran". At dahil hari siya ng Salem, nangangahulugan na siyaʼy "hari ng kapayapaan". 3 Walang naisulat tungkol sa kanyang ama at ina o maging sa mga ninuno niya. At wala ring naisulat tungkol sa kanyang kapanganakan at kamatayan. Katulad siya ng Anak ng Diyos; ang pagiging pari niyaʼy walang hanggan.