Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 11:45-53

Ang Planong Pagpatay kay Hesus

45 Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus. 46 Ngunit ang iba sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa niya. 47 Kaya nagpatawag ng pulong ng Sanhedrin ang mga namamahalang pari at mga Pariseo.

At nang nagkatipon na sila, sinabi nila, "Ano ang gagawin natin? Maraming himala ang ginagawa ng taong ito. 48 Kapag hinayaan natin siya, maniniwala ang lahat ng tao sa kanya. Kapag nangyari iyan, lulusubin tayo ng mga hukbong Romano at wawasakin nila ang Templo at ang ating bansa."

49 Ngunit isa sa kanila, si Caifas na punong pari sa taóng iyon, ang nagsabi, "Talagang wala kayong alam. 50 Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?"

51 Ang sinabi niyang ito ay hindi nanggaling sa sarili niya. Bilang punong pari ng taóng iyon, nagpahayag ang Diyos sa pamamagitan niya na mamamatay si Hesus para sa buong bansa. 52 At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo. 53 Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Hesus.

Todos os capítulos de Juan 21
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.