Binuhusan ng Pabango si Hesus
1 Anim na araw bago dumating ang Pista ng Paglampas ng Anghel, pumunta si Hesus sa Betania kung saan nakatira si Lazaro na muli niyang binuhay. 2 Naghanda sila roon ng hapunan para kay Hesus. Si Lazaro ang isa sa mga kasalo ni Hesus sa pagkain. Si Marta ang nagsilbi sa kanila. 3 Kumuha si Maria ng kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa halamang nardo. Ibinuhos niya ito sa paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak ang pabango sa buong bahay.
4 Ang isa sa mga alagad ni Hesus na naroon ay si Judas Iscariote na magkakanulo sa kanya. Sinabi ni Judas, 5 "Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?" 6 Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan.
7 Ngunit sinabi ni Hesus, "Pabayaan ninyo siya. Inilaan ang pabangong ito para gamitin niya bilang paghahanda sa aking libing. 8 Palagi nʼyong nakakasama ang mga mahihirap,12:8 Tingnan sa Deu. 15:11. pero akoʼy hindi nʼyo laging makakasama."