13 At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.
Ipinangako ni Hesus ang Banal na Espiritu
15 "Kung mahal nʼyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos. 16 At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman.