16 At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman. 17 Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.
26 Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.