21 "Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya."
22 Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), "Panginoon, bakit sa amin lang po kayo magpapakilala at hindi sa lahat?"
23 Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya. 24 Ngunit ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi sumusunod sa aking mga salita. Ang mga salitang narinig ninyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nagsugo sa akin.