Ang Puno ng Ubas at ang mga Sanga
1 Sinabi pa niya, "Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 4 Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Sapagkat hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5 "Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. 7 Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo.
16 Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, upang humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.