33 Muling pumasok si Pilato sa palasyo at ipinatawag si Hesus, at tinanong, "Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?"
34 Sumagot si Hesus, "Sa iyo ba nanggaling ang tanong na iyan o may nagsabi lang sa iyo tungkol sa akin?"
35 Sumagot si Pilato, "Hudyo ba ako? Dinala ka rito sa akin ng iyong mga kababayan at ng mga namamahalang pari. Ano ba ang ginawa mo?"
36 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ang kaharian ko ay wala rito sa mundo. Kung nandito ang kaharian ko, makikipaglaban sana ang mga alagad ko upang hindi ako madakip ng mga Hudyo. Ngunit ang kaharian ko ay wala rito."
37 Sinabi ni Pilato, "Kung ganoon, isa kang hari?"
Sumagot si Hesus, "Tama ang sinabi mo na isa akong hari. At ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa mundo ay upang ipahayag ang katotohanan. At ang lahat ng gustong makaalam ng katotohanan ay nakikinig sa akin."
38 Tinanong siya ni Pilato, "Ano ba ang katotohanan?" Nang masabi ito ni Pilato, lumabas siya at sinabi sa mga pinuno ng mga Hudyo, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.