Ang Pagkamatay ni Hesus
28 Alam ni Hesus na tapos na ang misyon niya, at para matupad ang nakasulat sa Kasulatan, sinabi niya, "Nauuhaw ako." 29 May isang banga roon na puno ng maasim na alak. Isinawsaw ng mga sundalo ang isang espongha sa alak, ikinabit sa sanga ng hisopo at inilapit sa bibig ni Hesus. 30 Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, "Tapos na!" Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.