14 Pagkasabi nitoʼy lumingon siya at nakita si Hesus na nakatayo, pero hindi niya nakilala na si Hesus iyon.
15 Tinanong siya ni Hesus, "Babae, bakit ka umiiyak? Sino ba ang hinahanap mo?"
Sa pag-aakalang siya ang hardinero doon, sumagot si Maria, "Kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro nʼyo sa akin kung saan nʼyo siya dinala, at kukunin ko siya."
16 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Maria!"
Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, "Raboni!" (na ang ibig sabihin ay "Guro").