Nagpakita si Hesus sa mga Alagad Niya
19 Nang takip-silim na ng araw na iyon ng Linggo, nagsama-sama ang mga alagad ni Hesus. Ikinandado nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, "Sumainyo ang kapayapaan."