Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 20

Nagpakita si Hesus sa mga Alagad Niya

19 Nang takip-silim na ng araw na iyon ng Linggo, nagsama-sama ang mga alagad ni Hesus. Ikinandado nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, "Sumainyo ang kapayapaan." 20 Pagkasabi niya nito, ipinakita niya ang mga kamay at tagiliran niya. Labis na natuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.

21 Muling sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumainyo ang kapayapaan. Kung paanong sinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo." 22 Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi, "Tanggapin nʼyo ang Banal na Espiritu. 23 Kung patatawarin nʼyo ang kasalanan ng isang tao, pinatawad na siya ng Diyos. At kung hindi nʼyo patatawarin ang kanyang kasalanan, hindi rin siya pinatawad ng Diyos."

Veja também