Pular para o conteúdo
Publicidade

João 20

Ang Pagdududa ni Tomas

24 Si Tomas (na tinatawag na Kambal), na isa rin sa labindalawang alagad ay hindi nila kasama noong nagpakita si Hesus. 25 Kaya ibinalita nila sa kanya na nakita nila ang Panginoon.

Ngunit sinabi niya sa kanila, "Hindi ako maniniwala hanggaʼt hindi ko nakikita ang mga sugat ng pagkakapako sa mga kamay niya at mahipo ang mga ito, pati na ang sugat sa kanyang tagiliran."

26 Makalipas ang walong araw, nagtipon ulit ang mga alagad ni Hesus sa loob ng bahay. Kasama na nila si Tomas. Kahit nakakandado ang mga pinto, dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, "Sumainyo ang kapayapaan." 27 Sinabi ni Hesus kay Tomas, "Tingnan mo ang mga kamay ko. Hipuin mo, pati na rin ang aking tagiliran. Huwag ka nang magduda; maniwala ka na."

28 Sinabi ni Tomas sa kanya, "Panginoon ko at Diyos ko!"

29 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."

Veja também