19 Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila. 20 Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw at hindi lumalapit dito, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maipakita na ang kanyang mga gawa ay naaayon sa kalooban ng Diyos."
Publicidade