31 Samantala, pinapakiusapan ng mga alagad si Hesus at sinabi, "Rabbi, kumain na po kayo."
32 Ngunit sumagot si Hesus, "May pagkain akong hindi ninyo alam."
33 Kaya nagtanungan ang mga alagad niya, "May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?"
34 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ang pagkain ko ay ang pagsunod sa kalooban ng nagsugo sa akin at ang pagtupad sa kanyang ipinapagawa.