Ang Pagpapagaling sa Betsata
1 Pagkaraan nitoʼy pumunta si Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Hudyo. 2 Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata5:2 Betsata: Sa ibang tekstong Griyego, Betsaida.. Sa paligid nito ay may limang silungan, 3 kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [ 4 Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]5:4 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito. 5 May isang lalaki roon na tatlumpuʼt walong taon nang may sakit. 6 Nakita siya ni Hesus na nakahiga roon at napagtanto niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Hesus, "Gusto mo bang gumaling?"
7 Sumagot ang may sakit, "Gusto ko po sana, ngunit walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako ay nauunahan na ako ng iba."
8 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!" 9 Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad.
Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga,