Publicidade

João 5

21 Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito. 22 Sa katunayan, hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ang kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol, 23 upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.

24 "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan. 25 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay. 26 Kung paanong ang Ama ang siyang pinagmumulan ng buhay, ganoon din ang Anak. Sapagkat ibinigay sa kanya ng Ama ang ganoong kapangyarihan. 27 Ibinigay rin niya sa Anak ang kapangyarihang humatol dahil siya ang Anak ng Tao.

28 "Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang oras na maririnig ng lahat ng patay ang aking tinig, 29 at babangon sila mula sa kanilang mga libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay muling babangon upang mabuhay nang walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay babangon para maparusahan. 30 Wala akong magagawa kung sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi ng aking Ama. Kaya makatarungan ang hatol ko dahil hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

Ang mga Patotoo Tungkol kay Hesus

31 "Ngayon, kung ako lang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, kaduda-duda ang sinasabi ko.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-