48 Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. 49 Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, subalit namatay din silang lahat. 50 Ngunit narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito. 51 Ako ang tinapay na mula sa langit. Ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay upang magkaroon ng buhay ang mga tao ay walang iba kundi ang aking katawan."