6 O Panginoon, kayoʼy walang katulad.
Kayo ay makapangyarihan
at dakila ang pangalan.
7 Sino po ang hindi matatakot sa inyo,
O Hari ng mga bansa?
Karapat-dapat lang na kayo ay igalang.
Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa,
at sa kanilang mga kaharian,
walang sinuman ang katulad ninyo.