1 Mula sa Jerusalem, sumulat si Jeremiassa mga tagapamahala, mga pari, mga propeta, at sa iba pang mga bihag na dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia. 2 Isinulat niya ito pagkatapos na mabihag si Haring Jehoyakin, ang kanyang inang reyna, ang mga namamahala sa palasyo, mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mahuhusay na panday at manggagawa. 3 At ibinigay ni Jeremias ang sulat kina Elasana anak ni Safanat Gemariasna anak ni Hilkias. Sila ang sinugo ni Haring Zedequiasna hari ng Juda kay Nebucadnezar sa Babilonia. Ito ang nakasaad sa sulat:
4 "Ito ang sinasabi ng Panginoonng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, sa lahat ng taga-Jerusalemna ipinabihag niya sa Babilonia: 5 ‘Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani. 6 Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila upang dumami kayo nang dumami. 7 Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin ninyo ito sa Panginoondahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.’
8 "Sinabi pa ng Panginoonng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Huwag kayong palilinlang sa mga propeta ninyo o sa mga kasama ninyong manghuhula. Huwag kayong maniniwala sa mga panaginip nila. 9 Sapagkat nagpropesiya sila ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo,’ sabi ng Panginoon.
10 "Sinasabi ng Panginoon, ‘Pagkatapos ng pitumpung taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo. 11 Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan. 12 Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. 13 Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. 14 Oo, matatagpuan ko kayo,’ sabi ng Panginoon, ‘at ibabalik mula sa pagkakabihag.29:14 ibabalik … pagkakabihag: O ibabalik ko ang kayamanan ninyo.Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.’
15 "Baka sabihin ninyong nagsugo ang Panginoonsa inyo ng mga propeta diyan sa Babilonia, 16 pero ito ang sinabi ng Panginoontungkol sa haring nagmula sa angkan ni Davidat sa lahat ng kababayan ninyo na naiwan sa lungsod ng Jerusalemna hindi nabihag kasama ninyo: 17 Ito ang sinasabi ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo: ‘Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain. 18 Talagang hahabulin sila ng digmaan, taggutom at sakit, at kasusuklaman sila ng lahat ng kaharian. Itataboy ko sila sa kung saan-saang bansa, at susumpain, kasusuklaman at kukutyain sila roon ng mga tao. 19 Sapagkat hindi nila pinakinggan ang mga salita ng Panginoonna palaging sinasabi sa kanila ng mga lingkod na propeta. At pati kayong mga binihag ay hindi rin naniwala.’
20 "Kaya makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon, kayong mga ipinabihag niya mula sa Jerusalempapunta sa Babilonia. 21 Ito ang sinasabi ng Panginoonng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol kina Ahabna anak ni Kolaias at Zedequiasna anak ni Maasias, ‘Nagsalita sa inyo ng kasinungalingan ang mga taong ito sa pangalan ko. Kaya ibibigay ko sila kay Haring Nebucadnezar ng Babiloniaat sila ay ipapapatay niya sa harap mismo ninyo. 22 Dahil sa kanila, ang lahat ng bihag sa Babiloniana mga taga-Juda ay susumpa ng ganito sa kapwa nila, "Nawaʼy patayin ka ng Panginoonkatulad nina Zedequiasat Ahabna sinunog nang buhay ng hari ng Babilonia." 23 Mangyayari ito sa kanila dahil gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay sa Israel. Nangalunya sila sa asawa ng kapwa nila at nagsalita ng kasinungalingan sa pangalan ko na hindi ko iniutos na gawin nila. Nalalaman ko ang mga ginawa nila at makapagpapatunay ako laban sa kanila,’ sabi ng Panginoon."
Ang Mensahe para kay Semaias
24,25 Ang Panginoonng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagbigay sa akin ng mensahe para kay Semaias na taga-Nehelam. "Ito ang sinabi niya: Semaias, sa pamamagitan ng pangalan mo lang ay nagpadala ka ng sulat kay Zefaniasna anak ni Maaseya na pari, at pinadalhan mo rin ng kopya ang iba pang mga pari, at ang lahat ng taga-Jerusalem. Ayon sa sulat mo kay Zefanias, sinabi mo, 26 ‘Hinirang ka ng Panginoonbilang pari na papalit kay Joiadaupang maging tagapamahala ng templo. Katungkulan mo ang pagdakip at paglalagay ng kadena sa leeg ng sinumang hangal na nagsasabing propeta siya. 27 Bakit hindi mo pinigilan si Jeremiasna taga-Anatotna nagsasabing propeta siya diyan sa inyo? 28 Sumulat pa siya rito sa amin sa Babiloniana kami raw ay magtatagal pa rito. Kaya ayon sa kanya, magtayo kami ng mga bahay at manirahan sa mga ito, magtanim at kainin ang aming ani.’ "
29 Nang matanggap ng paring si Zefaniasang sulat ni Semaias, binasa niya ito kay Propeta Jeremias. 30 Pagkatapos, sinabi ng Panginoonkay Jeremias, 31 "Ipadala mo ang mensaheng ito sa lahat ng bihag. Sabihin mo sa kanilang ito ang sinabi ng Panginoontungkol kay Semaias na taga-Nehelam: Hindi ko sinugo si Semaias upang magsalita sa inyo. Pinapaniwala niya kayo sa kasinungalingan niya. 32 Kaya parurusahan ko siya pati ang mga angkan niya. Wala ni isa man sa angkan niya ang mananatiling buhay para maranasan ang mga mabubuting bagay na gagawin ko sa inyo, sapagkat tinuruan niya kayong magrebelde sa akin," sabi ng Panginoon.
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
Jeremias, sacerdote de Anatote, profetizou a Judá nos últimos dias do reino, anunciou a destruição de Jerusalém pela Babilônia e foi perseguido e preso por isso (Jeremias 1:1).
Zedequias, filho de Josias, foi o último rei de Judá; rebelou-se contra a Babilônia, viu os filhos serem mortos, teve os olhos vazados e foi levado preso (2 Reis 25:7).
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Jeremias, sacerdote de Anatote, profetizou a Judá nos últimos dias do reino, anunciou a destruição de Jerusalém pela Babilônia e foi perseguido e preso por isso (Jeremias 1:1).
Anatote é a cidade da terra de Benjamim onde estava o sacerdote Jeremias, filho de Hilquias. Jeremias comprou do primo Hanameel a propriedade que havia ali, por dezessete siclos de prata (Jeremias 32:9).
Jeremias, sacerdote de Anatote, profetizou a Judá nos últimos dias do reino, anunciou a destruição de Jerusalém pela Babilônia e foi perseguido e preso por isso (Jeremias 1:1).
Jeremias, sacerdote de Anatote, profetizou a Judá nos últimos dias do reino, anunciou a destruição de Jerusalém pela Babilônia e foi perseguido e preso por isso (Jeremias 1:1).