Pular para o conteúdo
Publicidade

Jeremias 29:4-7

OASD Ang Salita ng Diyos

4 "Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, sa lahat ng taga-Jerusalem na ipinabihag niya sa Babilonia: 5 ‘Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani. 6 Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila upang dumami kayo nang dumami. 7 Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin ninyo ito sa Panginoon dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.’

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,

    5 Kayo’y mangagtayo ng mga bahay, tal.28;Ezek. 11:3.at inyong tahanan; at kayo’y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.

    6 Magsipagasawa kayo, at kayo’y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila’y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo’y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.

    7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, Ezra 6:10.at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka’t sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.