Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 10

30 Bilang sagot, nagkuwento si Hesus: "May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 32 Napadaan din ang isang Levita10:32 Levita: Katuwang ng mga pari sa templo. at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. 34 Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. 35 Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera10:35 pera: Sa Griyego, dalawang denario. Ang isang denario ay katumbas ng isang araw na sahod. ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, Alagaan mo siya, at kung kulang pa ʼyan sa magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ "

36 Nagtanong ngayon si Hesus sa tagapagturo ng Kautusan, "Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ay tunay na kapwa sa biktima ng mga tulisan?"

37 Sumagot siya, "Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya."

Sinabi sa kanya ni Hesus, "Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo."

Veja também