Ang Paratang Laban kay Hesus
14 Minsan, nagpalayas si Hesus ng isang demonyo na naging sanhi ng pagkapipi ng lalaking sinaniban nito. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita na ang lalaki, at namangha ang mga tao. 15 Ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, "Si Satanas11:15 Satanas: Sa Griyego, Beelzebul. Ganito rin sa talata 18|LUK 11:18. na pinuno ng masasamáng espiritu ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!" 16 Ang iba naman ay gustong subukin si Hesus, kaya hiniling nilang magpamalas siya ng tanda bilang patunay na sugo nga siya ng Diyos.
17 Ngunit alam niya ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, "Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, babagsak ito. Ganoon din kapag nag-aaway-away ang isang sambahayan, magkakawatak-watak ito. 18 Kaya kung si Satanas at ang mga kampon niya ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, paano mananatili ang kaharian niya? Tinatanong ko ito dahil sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng masasamáng espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas.11:18 Tingnan ang talababa sa talata 15|LUK 11:15. 19 Kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay sa mga alagad ninyo ng kapangyarihang makapagpalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo. 20 Ngayon, kung nagpapalayas ako ng masasamáng espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
21 "Kung ang isang taong malakas at armado ang nagbabantay sa kanyang bahay, ligtas ang mga ari-arian niya. 22 Ngunit kapag sinalakay siya ng isang taong mas malakas kaysa sa kanya, matatalo siya, at kukunin nito ang mga armas na inaasahan niya at ipapamahagi ang mga ari-arian niya.
23 "Ang hindi kumakampi sa akin ay laban sa akin, at ang hindi tumutulong sa pagtitipon ko ay nagkakalat.