Humingi ng Himala ang mga Tao
29 Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Hesus, "Napakasamá ng henerasyong ito. Humihingi sila ng tanda, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas. 30 Kung paanong naging palatandaan si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa henerasyong ito. 31 Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo11:31 tatayo: O muling mabubuhay. ang Reyna ng Timog11:31 Reyna ng Timog: Siya ang reyna ng Sheba ayon sa 1 Hari 10. at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon; at ngayoʼy narito ang isang mas dakila pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya. 32 Maging ang mga taga-Nineve ay tatayo rin sa Araw ng Paghuhukom at hahatulan ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas; at ngayoʼy narito ang isang nakahihigit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, pero ayaw ninyong magsisi.