Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 13:12-16

OASD Ang Salita ng Diyos

12 Nang makita siya ni Hesus, tinawag siya at sinabi, "Babae, malaya ka na sa sakit mo." 13 Pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Diyos.

14 Ngunit nagalit ang namumuno sa sinagoga dahil nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga, kayaʼt sinabi niya sa mga tao, "May anim na araw kayo para magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga."

15 Sinagot siya ng Panginoon, "Mga pakitang-tao! Hindi baʼt kinakalagan ninyo ang inyong mga baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? 16 Kung sa mga hayop nga ay naaawa kayo, bakit hindi sa babaeng ito na mula rin sa lahi ni Abraham? Labingwalong taon na siyang ginapos ni Satanas, kaya nararapat lang na palayain siya kahit na Araw ng Pamamahinga."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 At nang siya’y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit.

    13 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya’y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.

    14 At Mar. 5:22.ang pinuno sa sinagoga, Juan 5:10.dala ng kagalitan, sapagka’t si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, Ex. 20:9.May anim na araw na ang mga tao’y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo’y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.

    15 Datapuwa’t sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, Luc. 14:5.Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawa’t isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at ito’y inilalabas upang painumin?

    16 At Luc. 19:9.ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni tal.11.Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.