Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa
18 Nagpatuloy si Hesus sa pagtuturo niya, "Saan kaya maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Saan ko ito maihahambing? 19 Katulad ito ng isang buto ng mustasa13:19 mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas. na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at naging punongkahoy, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito."