Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 15:12-14,16-18,20

12 Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, gusto ko na pong kunin ang bahaging mamanahin ko.’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak.

13 "Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay. 14 Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, halos gusto na niyang kainin kahit ang pagkain ng mga baboy, dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain.

17 "Nang makapag-isip-isip siya, sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Sa amin, kahit ang mga utusan ng aking ama ay may sobrang pagkain, pero ako rito ay halos mamatay na sa gutom. 18 Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 20 Kaya umuwi siya sa kanyang ama.

"Malayo paʼy natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.