Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 16:1-13

Ang Talinghaga tungkol sa Tusong Katiwala

1 Nagkuwento pa si Hesus sa mga alagad niya: "May isang mayaman na may katiwala. Nabalitaan niyang nilulustay ng katiwalang ito ang kanyang kayamanan. 2 Kaya ipinatawag niya ang katiwalang ito at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Kuwentahin na natin ang lahat ng ipinagkatiwala ko sa iyo dahil tatanggalin na kita bilang katiwala.’

3 "Naisip ng katiwala, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Aalisin na ako bilang katiwala. Hindi ko kakayanin ang mabibigat na trabaho tulad ng paghuhukay, at nahihiya naman akong mamalimos. 4 Ah, alam ko na! Gagawa ako ng paraan upang tanggapin ako ng mga tao sa tahanan nila kapag inalis na ako sa trabaho ko.’

5 "Isa-isa niyang ipinatawag ang mga may utang sa amo niya. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa amo ko?’ 6 Sumagot ito, ‘Isang daang banga16:6 Isang daang banga: O mga 3,000 litro. ng langis ng olibo.’

"Sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong limampu na lang ang utang mo.’

7 "At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’

"Sumagot ito, ‘Isang daang sako16:7 Isang daang sako: O mga 30 tonelada. ng trigo.’

" ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.

8 "Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.

9 "Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang inyong kayamanan sa mundong ito para magkaroon ng kaibigan. Kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.

10 "Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay. 11 Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng kayamanan na talagang para sa inyo?

13 "Walang aliping makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat tatanggihan niya ang isa at susundin naman ang isa, magiging tapat siya sa isa at tatalikuran ang isa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.