Pinagaling ni Hesus ang Isang Bulag
35 Nang malapit na sina Hesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 36 Nang marinig niya ang maraming taong dumadaan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. 37 Sinabi sa kanya ng mga tao, "Dumadaan si Hesus na taga-Nazaret."
38 Sumigaw ang bulag, "Hesus, Anak ni David,18:38 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Hudyo sa Mesias o Kristo dahil sa paniniwalang galing siya sa angkan ni David. Ganito rin sa ibang bahagi ng Bibliya kung saan ginamit ang katagang ito. maawa po kayo sa akin!"
39 Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"
40 Tumigil si Hesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito, 41 "Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?"
Sumagot ang bulag, "Panginoon, gusto ko pong makakita!"
42 Sinabi sa kanya ni Hesus, "Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." 43 Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus nang nagpupuri sa Diyos. Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpuri rin sila sa Diyos.